^

PSN Palaro

50 ginto kaya ng Team Phl sa Malaysia SEAG--Carrion

Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Maaaring makolekta ng Team Philippines ang bilang ng gold medals na ipinangako ng mga sports officials o mahaharap ito sa nakakahiyang kampanya sa darating na 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur.

Ginawa na ni Chef-de-mission Cynthia Carrion ang lahat kaugnay sa komposisyon at paghahanda ng Philippine contingent na binubuo ng 495 athletes at 163 coaches at trainers.

Ang prediksyon ng pangulo ng Gymnastics Association of the Philippines na makukuha ng delegasyon mula sa 2017 SEA Games ay 50 gold medals.

Sa nakaraang SEA Games sa Singapore noong 2015 ay tumapos sa sixth place ang bansa sa nahakot na 29 gold, 36 silver at 66 bronze medals.

Taliwas naman ang prediksyon ng pinuno ng SEA Games task force na si Tom Carrasco ng Triathlon.

Sinabi ni Carrasco na inaasahan niyang sisikwat ang mga Pinoy athletes ng 35 gold medals para sa 2017 SEAG na nakatakda sa Aug. 19-31 sa Malaysian capital.

Ang 35 gold medals ay hindi katiyakan na aakyat ang Pilipinas sa overall standings.

“We must win the medals. Kung hindi, todas tayo,” sabi ni Carrasco. “Pag hindi natin nakuha yan, martial law na.”

Sapul nang mapanalunan ang overall title noong 2005 sa Manila ay hindi na nakatapos sa top three overall ang bansa sa SEA Games.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with