^

PSN Palaro

There they go!

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Namamayagpag si coach Yeng Guiao at ang kanyang NLEX Road Warriors sa PBA Governor’s Cup.

Sa tatlong laro, tatlong panalo.

Ano ba ang pinakain ni coach Yeng sa kanyang mga tropa na kumuha na ng mga panalo kontra Alaska, Kia at Rain or Shine?

Karerista si coach at bumandera ang team niya, na ngayon pa lang nakatikim ng 3-0 start sa PBA.

Nasa taas sila ngayon ng standings at pwede pang tumaas mamaya laban sa Phoenix.

‘Wag lang maurot.

Kakaibang eksena dahil sa huling dalawang conferences ay halos walang talunin ang NLEX. Sa nakalipas na Commissioner’s Cup ay 0-9 ang simula nila.

Nagbitaw ng salita si coach Yeng na pagod na raw sila sa talo.

Kaya eto at nagpapasiklab sila sa pangunguna ng import na si Aaron Fuller at Kevin Alas at new recruits na sina Larry Fonacier, Alex Mallari at si JR Quiñahan.

Marami pang pwede mangyari.

Pero masaya si coach sa huli nilang panalo sa Rain or Shine, ang dati niyang team. Double overtime ang panalo ng Road Warriors.

Ganitong klase ng mga panalo, ayon kay coach ang kailangan nila para sa mga darating na laban.

Pampatibay daw ng loob.

Hindi pa kasi nila nahaharap ang mga siga--ang Ginebra, Meralco, San Miguel Beer at Talk N Text.

Kay coach Yeng, mahaba pa ang karera.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with