Simula na ang aksyon sa Beach Volley Republic
MANILA, Philippines - Mahigit 16 teams sa men’s at 16 din sa women’s ang sasabak ngayon sa paglarga ng Beach Volleyball Republic on Tour National Championship sa Anguib beach sa Sta. Ana, Cagayan Valley.
Ang magwawagi sa naturang kumpetisyon ay papasok sa national pool na sasali naman sa darating na 2017 Southeast Asian Beach Volleyball Championship na gaganapin sa Singapore ngayong Setyembre.
Ayon kay Charo Soriano, isa sa mga founders ng BVR na kahit ang nagbabantang Typhoon “Gorio” ay hindi hadlang sa pagdaraos ng tatlong araw na kumpetisyon.
“We at the BVR are forever at the service of Philippine beach volleyball,” sabi ni Soriano.
Ang 16 na koponan sa bawat category ay hahatiin sa apat na grupo at ang top two sa bawat bracket ang aabante sa playoff round.
Inaasahang hahataw sa kumpetisyon ang Cebu women’s team na sina Therese Ramas at Floremel Rod riguez at ang nagdedepensang men’s team na sina
Jade Becaldo at Rommel Pepito.
Ang ibang koponan na handa ring magpakitang gilas para masungkit ang titulo at makuha ang tsansa na makapaglaro sa Singapore ay ang Team Perlas nin Bea Tan, Ateneo, Rizal Technological University, Iloilo, Bacolod, Tagum at Philippine National Police team.
- Latest