^

PSN Palaro

Irving ‘di pakakawalan ng Cavaliers

Pilipino Star Ngayon

INDEPENDENCE, Ohio-- Walang nangyayaring kaguluhan sa Cleveland.

Ito ang mariing iginiit ni Cavaliers owner Dan Gilbert sa kabila ng kahili ngan ni Kyrie Irving na mai-trade sa ibang koponan.

Hindi kinumpirma ni Gilbert kung pagbibigyan niya ang kagustuhan ng All-Star point guard.

Subalit hindi niya isinantabi ang posibilidad na i-trade ang ikalawang best player ng Cleveland o kung mananatili pa rin si LeBron James matapos ang darating na season.

“These things are fl uid,” wika ni Gilbert. “We think that Kyrie Irving is one of the best guards in the NBA.

He was part of a championship, three years straight to the Finals and we value his talent - signifi cantly.”

Hindi nagbigay si Gilbert ng detalye ukol sa kanilang naging pag-uusap ni Irving kasama ang agent nito.

Inaasahan ni Gilbert na sasama si Irving, ang jumper sa Game 7 ng 2016 NBA Finals ang nagbigay sa Cleveland ng una nitong major championship matapos magkampeon ang Browns noong 1964, sa training camp ng Cavaliers sa Setyembre.

“Right now Kyrie Irving is under contract with the Cleveland Cavaliers for two or three years, depending on the last year,” ani Gilbert.

Malinaw na gusting iligtas ni Gilbert ang Cavs o pangalagaan ang kanilang relasyon kay Irving, isa ngayon sa mga best backcourt players.

Ayon sa bagong general manager ng Cavaliers na si Koby Altman, mananatili si Irving na isang ‘important piece’ para sa koponang naglaro sa tatlong sunod na NBA Finals.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with