^

PSN Palaro

Hotshots ipaparada ang bagong import vs Aces

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kasabay ng pagparada sa kanilang bagong import ay tatargetin ng Star ang ikalawa nilang sunod na panalo.

Itatampok ng Hotshots si Malcom Hill sa kanilang pagsagupa sa Alaska Aces ngayong alas-7 ng gabi matapos ang paghaharap ng TNT Katropang Texters at Kia Picanto sa alas-4:15 ng hapon sa 2017 PBA Governor’s Cup sa Ynares Center sa Antipolo City.

Ang 21-anyos na si Hill ay naglaro ng apat na seasons para sa Illinois kung saan siya nagposte ng mga averages na 13.5 points, 4.7 rebounds at 2.1 assists

Hindi nakuha si Hill sa nakaraang 2017 NBA Draft.

Kinuha ng Star si Hill matapos sibakin si Cinmeon Bowers, naglista ng 15 points, 8 rebounds at 5 assists sa 103-86 paggupo sa Blackwater para sa una at huli niyang laro.

Hangad naman ng Aces na makabangon mula sa kanilang unang dalawang kabiguan.

Sa unang laro, gagawin ng Tropang Texters ang pagsisimula ng kanilang kampanya sa pagharap sa Picanto, nakalasap ng 105-118 pagkatalo laban sa Phoenix Fuel Masters at 93-100 pagyukod sa NLEX Road Warriors.

Natalo ang TNT Katropa sa San Miguel sa kanilang championship series sa nakaraang 2017 PBA Commissioner’s Cup.

Ipaparada ng Tropang Texters sina import Michael Craig, Jayson Castro, Ranidel De Ocampo, Troy Rosario, Moala Tautuaa, Ryan Reyes at rookie RR Pogoy.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with