^

PSN Palaro

Peping tablado uli kay Duterte 2019 SEAG hosting tinuldukan na

Pilipino Star Ngayon
Peping tablado uli kay Duterte 2019 SEAG hosting tinuldukan na

Pres. Rodrigo R. Duterte and POC Pres. Peping Cojuangco

MANILA, Philippines - Sinopla agad ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang Philippine Olympic Committee (POC) sa planong iapela ang naunang desiyon ng gobyerno sa pag-atras sa hosting ng bansa sa Southeast Asian Games sa 2019.

“Walang committee committee d’yan. Tayo ang masusunod d’yan kasi nasa atin ang pera, tayo ang mape-preso sa COA (Commission on Audit) eh,” ayon kay PSC chairman William Ramirez sa kanilang pag-uusap ng Pangulo bago naganap ang press confe­rence kahapon sa Malacañang mismo.

Sinabi pa ni Ramirez na mayroon pang mga bagay na dapat ayusin ang POC kaysa mag-host agad ng SEA Games at hindi pa nareresolba ang problema kagaya ng mahigit P27 million na ginastos ng gobyerno noong 2005 hosting dito sa Pilipinas na pinasasauli ng COA.

“Like noong 2005, me­ron silang (POC) dapat sa­gutin sa COA. For us to do 2019 at hindi pa naresolba, mahirap ‘yun like dis­allo­wances na P27 million, mga unliquidated, cash” ayon pa kay Ramirez.

“It’s really time for our leaders to behave, it’s time for our leaders to show leadership and integrity. If you do not have that ho­nest picture, how can you lead sports. If you are a good leader, you can attract money and support from the private sector and you don’t have to worry for money from the government,” ani Ramirez.

Ang pahayag ni Ra­mirez ay reaksiyon na rin sa sinabi ni  Philippine POC president Jose Cojuangco na susubukan nilang kausapin si Duterte para iapela ang naunang desisyon ng gobyerno sa pagkansela sa hosting ng SEAG sa 2019.

“We’ll try to arrange a meeting with the President (Duterte) and directly appeal to him to reconsider the earlier decision to junk the hosting of the 2019 SEAG,” sabi ni Cojuangco sa General Assembly meeting ng POC noong Miyerkules sa Wack Wack Golf and Country Club.

Napagkasunduan din ng executive board ng POC na hihingi sila ng rekonsi­derasyon at nilagdaan ng mahigit 21 National Sports Association (NSA) leaders ang nasabing petisyon.

“Iba lang talaga ang narinig niya (Duterte). Si­guro if he sees this he won’t disagree,” dagdag pa ni Cojuangco.

Ayon pa kay Cojuang­co, marami na ring mga pri­vate sponsors ang nag­pahayag ng suporta kaya maliit na lamang ang gagas­tusin ng gobyerno.

Kung natatandaan, binawi ng Malacañang ang suporta sa nasabing 2019 SEAG noong Hulyo 21 dahil sa kasalukuyang sit­wasyon ng Mindanao at nais ng gobyerno na pag­tuunan na lang ang pagresolba sa problema ng Marawi City.            

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with