^

PSN Palaro

JRU may pakay sa bakuran ng Baste

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Masolo ang ikatlong puwesto ang hangad ng Jose Rizal University sa pagharap sa San Sebastian College-Recoletos sa pagdayo ng NCAA Season 93 men’s basketball tournament sa San Sebastian Gym sa Mendiola, Manila.

Sasambulat ang banggaan ng Heavy Bombers at Stags sa alas-4 habang masisilayan din ang pukpukan ng San Sebastian at Jose Rizal sa juniors sa alas-2.

Kasalo ng Jose Rizal ang Arellano University, Emilio Aguinaldo College at Colegio de San Juan de Letran hawak ang pare-parehong 2-2 baraha.

Nais ng Heavy Bom­bers na masundan ang kanilang 65-62 impresibong panalo laban sa Letran Knights habang umaasa naman ang Stags na makakabangon ito mula sa masaklap na 73-78 kabiguan sa Lyceum of the Philippines noong Biyernes.

Interesante ang laban ng Jose Rizal at San Sebastian na dalawang kopo­nang pasok sa Top 3 best defending team.

Hawak ng San Sebastian ang No. 2 sa points allowed kung saan nali­limitahan nila ang kanilang kalaban sa average na 70 puntos habang ikatlo naman ang Jose Rizal na napipigilang makagawa ang kanilang karibal ng average na 71.3 puntos.

Hawak ng University of Perpetual Help System Dalta ang pinakamatin­ding depensa dahil hindi lalampas sa 64.3 puntos ang nakukuha ng kanilang mga naunang kalaban.

At aminado sina c­oaches Vergel Meneses ng Jose Rizal at Egay Macaraya ng San Sebastian na isang matinding pukpukan ang masisilayan sa paghaharap ng kanilang mga tropa.

Ayon naman kay Macaraya, “Jose Rizal is a veteran team known for their defense and we have to be ready against them.”

Ito ang ikatlong NCAA on Tour kung saan nais ng San Sebastian na tuldukan ang kamalasan ng mga home teams.

Natalo ang Arellano Chiefs sa Stags, 56-65 sa Arellano Gym noong Hulyo 13 gayundin ang Mapua Cardinals sa Altas, 60-63 sa Mapua Gym noong nakaraang linggo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with