^

PSN Palaro

Semis kasado sa Pocari

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Semis kasado sa Pocari

Nadepensahan nina Joy Soyud at Rizza Andrea Cruz ng A­damson ang kill ni Risa Sato ng BaliPure. Joey Mendoza

MANILA, Philippines - Itinodo ng Pocari Sweat ang nalalabing lakas sa ikatlong set upang takasan ang Hail Fairy Air Force, 25-19, 25-20, 29-27 para masikwat ang ikalawang semifinals slot sa Premier Volleyball League Open Conference kagabi sa  Filoil Flying V Arena sa San Juan.

Bagama’t naisuko ng Lady Warriors ang dalawang match points, mabilis din itong nakabangon mula sa dalawang set point na pagkakalubog at tuluyang itarak ang straight-set na panalo.

Ang panalo ay nagha­nay sa Lady Warriors, may 5-1 record, sa semis kasama ang wala pang talong Creamline Cool Smashers.

Laglag naman ang Air Force sa 4-2 at kailangan nilang manaig sa Adamson sa Sabado para makapasok sa Final Four at makaiwas sa playoff para sa huling semis berth.

Nauna rito, iginupo ng Reinforced Conference runner-up BaliPure ang Adamson University, 25-18, 25-23, 19-25, 25-20 upang manatiling buhay ang tsansa nitong makahirit ng tiket sa semifinals.

Sa pagkakataong ito, minanduhan ni Far Eastern University standout Jerrili Malabanan ang Water Defenders tangan ang 16 puntos habang sumuporta naman si three-time NCAA MVP Grethcel Soltones na nagpakawala ng 14 puntos.

Sumulong ang Water Defenders sa 3-3 marka para saluhan ang Perlas Spikers sa ikaapat na puwesto.

Nag-ambag si Filipino-Japanese Risa Sato ng 10 puntos kabilang ang tatlong blocks samantalang nakakuha si playmaker Jasmine Nabor ng 32 excellent sets at walong puntos para sa Water Defenders.

Tuluyan nang nasibak ang Lady Falcons na bumagsak sa 1-5 baraha.

 Sa men’s division, naiselyo ng Philippine Army ang 25-16, 25-20, 25-17 panalo laban sa Cafe Lupe para masungkit ang ikatlong panalo sa anim na laro.

 Iginupo naman ng Sta. Elena ang Gamboa Coffee Spikers, 25-19, 25-16, 25-20  sa hiwalay na bakbakan.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with