Japanese coach napahanga sa PH women’s volley team
MANILA, Philippines - Napahanga ni Dawn Macandili ang head coach ng Okayama Seagulls na si Akiyoshi Kawamoto sa kanilang halos walong araw na pagsasanay sa Okayama City, Japan.
“You will be a world-class player. Your play is at par with Japan. Even the Seagulls are impressed with you. You just have to get rid off of stiffness at the backline. Tour stance should be bouncy ,” sabi ni Okayama Seagulls head coach Kawamoto kay Macandili, isa sa dalawang reserves na kasama sa 14-man Philippine national women’s volleyball team na nagsasanay sa Japan.
Pagkaraan ng walong araw na pagsasanay sa Okayama City, napabilib ng buong national women’s volleyball team ang beteranong Japanese coach na si Akiyoshi Kawamoto.
“Your team is good, you have a lot of very good players, but there are some minor lapses you have to improve. If you can correct that, your team has the possibility to win,” wika pa ni Kawamoto kay national team head coach Francis Vicente matapos ang walong araw na training camp.
Tumulong din kay Kawamoto ang two-time Olympian na si Mai Yamaguchi sa pagtuturo ng women’s team sa kanilang pagsasanay ng tatlong oras sa umaga at friendly matches sa hapon para tutukan ang pagbabago ng kanilang blocking at floor defense.
Pagkatapos sa Okayama City, ipagpapatuloy ng national team ang pagsasanay sa Osaka, Japan kung saan makakaharap nila ang koponan mula sa Ryokoku University, Osaka University at ang reigning PSL Invitational Conference champion Kobe Shinwa University.
Bukod kina Reyes at Valdez, kasama rin sa koponan sina Jovelyn Gonzaga, Aiza Maizo-Pontillas, Kim Dy, Kim Fajardo, Aby Maraño, Rhea Dimaculangan, Frances Molina, Gen Casugod, Denden Lazaro, Jaja Santiago at Maika Ortiz.
- Latest