^

PSN Palaro

Thunder lumapit sa sweep

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kumana si Jeron Teng ng isa na namang triple-double para dalhin ang F­lying V sa 97-59 demo­lisyon laban sa Zark’s Burgers sa 2017 PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Itinarak ng dating La Salle star ang 20 puntos, 16 rebounds at 10 assists para tulungan ang Thunder na maikonekta ang ikasiyam na panalo at makalapit sa inaasam na sweep.

Si Teng ang ikalawang manlalaro na dalawang beses na naka-triple double sa isang kumperensiya.

Una itong nagawa ni Mike Tolomia ng Phoenix sa 2016 Aspirants’ Cup.

“I have to give credit to my teammates kasi kahit anong ganda ng pasa ko, kung hindi naman nila masu-shoot, imposible na makapag triple-double ako. But I think we’re a talented team and anyone can score in our team. Anyone can have a breakout game and is capable of scoring,” wika ng 23-anyos swingman.

Bagama’t wala nang bearing ang naturang laro, nais ni Thunder coach Eric Altamirano na ilabas pa rin ng kanyang bataan ang tunay na laro nito upang ma­ging maganda ang kanilang pag-entra sa playoffs.

“We just wanted to do our best in this time so we don’t lose our sharpness going into the playoffs,” aniya.

Susubukan ng Thunder na makumpleto ang eliminations sweep sa pagharap nito sa Batangas sa Martes.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with