^

PSN Palaro

Jr. Blu Girls tumiklop sa Taiwan

Olmin Leyba - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Matapos ang magandang panimula ay nakalasap naman ang Junior Blu Girls ng kabiguan sa kanilang pagsalang sa XII Junior Women’s Softball World Championship sa Clearwater, Florida.

Pinatumba ng 20th-ranked na Junior Blu Girls ang No. 12 Italy, 10-3, sa kanilang unang laro sa Section A bago nakatikim ng 0-13 shutout kontra sa No. 9 Chinese Taipei sa afternoon session.

Nakatakdang labanan ng mga Pinay ang Guatemala ngayon.

Humataw ang Junior Blu Girls ng 13 hits laban sa mga Italians kung saan pumalo si Elsie dela Torre ng dalawang RBIs at isang home run, habang nag-akay si Juliet Omul ng dalawang runners sa plate.

Naglista naman si Royevel Palma ng isang four-hitter at nagpatalsik sa tatlong batters ng Italy.

Ngunit laban sa mga Taiwanese ay lubhang nahirapan ang mga Pinay softbelles.

Nagsalpak ang mga Chinese-Taipei girls ng anim na home runs sa second at nagdagdag ng dalawa at lima sa fourth at fifth inning, ayon sa pagkakasunod, para ibaon ang Junior Blu Girls.

Pinamunuan ni Lin Chih Chu ang dominasyon ng Taiwan sa kanyang dalawang hits at dalawang strikeouts sa isang five-inning stint.

Umaasa ang mga Pinay clouters na mapapatumba ang Guatemala bago harapin ang Turkey, South Africa at US sa kanilang mga asignatura sa Pool A.

Ang top two teams ang mag-aagawan para sa korona ng torneo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with