^

PSN Palaro

Pirates tuloy sa pananalasa

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pirates tuloy sa pananalasa

Naudlot ang tira ni Jesper Ayaay ng Lyceum nang madepensahan nina Archie Concepcion at Lervin Flores ng Arellano U sa NCAA men’s basketball kahapon. Joey Mendoza

MANILA, Philippines - Hindi mapigilan ang mainit na atake ng Lyceum of the Philippines University nang bihagin nito ang Arellano University, 99-65 upang manatiling malinis ang kanilang rekord sa NCAA Season 93 men’s basketball tournament kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Nanguna sa pamimirata si CJ Perez nang humataw ito ng 16 puntos kabilang ang walo sa ikaapat na kanto upang tulungan ang Pirates na makuha ang ikaapat na sunod na panalo at mapatatag ang kapit sa solong pamumuno.

Ito ang pinakamagandang simula ng Lyceum sapul nang sumabak ito sa liga may anim na taon na ang nakalilipas.

Isa-isang pinapatumba ng Pirates ang mga paboritong koponan kabilang na ang nagdedepensang San Beda College, Jose Rizal University at San Sebastian College-Recoletos.

Ngunit malayo pa ang tatahakin ng Lyceum para kay Pirates coach Topex Robinson.

“The championship is not within our reach. It’s there and we just have to keep on winning and getting used to winning together,” ani Robinson.

Gumawa rin ng ingay ang Marcelino twins na sina Jaycee at Jayvee na siyang nagmando sa pagdepensa kay Arellano standout Kent Salado na nalimitahan lamang sa 11 puntos.

“Coach just told us to guard him (Salado), we’re just focused on stopping him,” wika ni Jaycee na nagtala ng 13 puntos.

Nagdagdag naman ng walong puntos si Jayvee habang nakalikom din sina Jesper Ayaay at Ralph Tansingco ng tig-13 mar­kers.

Bagsak ang Arellano sa 2-2.

Sa unang laro, na­naig ang Emilio Aguinaldo College laban sa Mapua University, 77-72 para sumulong sa 2-2 baraha.

Nagsumite si Sydney Onwubere ng 22 points tampok ang krusyal na three-pointer sa huling sandali ng laro habang naglista sina Jervin Guzman ng 13, Jesse Bautista ng 12 at Raymund Pascua ng 11 para mahablot ng Generals ang panalo.

Gumulong ang Cardinals sa 1-3.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with