^

PSN Palaro

Pirates tutusukin ang ikaapat na panalo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Ikaapat na panalo na mag­papatatag sa kanila sa liderato ang puntirya ng Lyceum of the Philippines sa pakikipagtuos nila sa Arellano University sa NCAA Season 93 men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Magpapang-abot ang Pirates at Chiefs ngayong alas-2 matapos ang bakba­kan ng Mapua University at Emilio Aguinaldo College sa alas-12 ng tanghali.

Lalarga rin ang salpukan ng nagdedepensang San Beda College at Colegio de San Juan de Letran sa alas-4 ng hapon.

Natuhog ng Pirates ang ikat­long sunod na panalo ma­­tapos patumbahin ang San Sebastian Stags, 78-73, noong Biyernes.

Malakas na puwersa ang nanggaling kay CJ Pe­rez na siyang nagtala ng 20 puntos, habang nagdagdag naman si team cap­tain Jesper Ayaay ng 17 puntos para mapanatili ng Intramuros-based squad ang malinis na rekord.

Napasama ang Stags sa mga paboritong koponan na isa-isang pinabagsak ng Pirates kabilang ang Jose Rizal University Heavy Bombers, 96-75, at ang Red Lions, 96-91.

Magugunitang ang San Beda, Jose Rizal at San Se­bastian ang Top 4 teams sa Filoil Premier Cup noong nakaraang buwan.

Subalit wala sa isip ni Lyceum coach Topex Robinson ang maging kampante.

“You can’t win the championship in just three games. We have to keep working harder and stay hungry to sustain this winning,” ani Ro­binson.

Kaya naman inaasa­hang buhos lakas pa rin ang Pirates lalo pa’t isa ring contender ang Chiefs na finalist noong nakaraang taon.

Hawak ng Arellano ang 2-1 rekord.

Galing ito sa 73-72 pa­na­lo laban sa Jose Rizal sa likod ng game-winning basket in Kent Salado.

Kumulekta si Salado ng kabuuang 25 puntos, anim na rebounds, walong assists at dalawang steals kaya’t markado ang pangalang ito sa Pirates.

“This is his team now and he is proving that he is capable of carrying this team,” sambit ni Arellano mentor Jerry Codiñera.

Umaasa naman ang San Beda na magtutulu­y-tuloy ang kanilang ratsada ma­tapos lumasap ng kabi­gu­an sa Lyceum.

Tinalo ng Red Lions ang College of Saint Benilde, 76-52, at Emilio Aguinaldo College, 81-69, para makaba­lik sa porma tangan ang 3-1 kar­tada.

Haharapin ng San Beda ang Letran na buhat sa 62-65 kabiguan sa Jose Rizal no­ong Biyernes.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with