^

PSN Palaro

Lim winalis ang 2 titulo sa US netfest

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lumalakas ang pag-asa ni Alberto “AJ” Lim Jr. sa parating na 29th Southeast Asian Games na gaganapin sa Kuala Lumpur, Malaysia sa  Agosto 19-30.

Kabilang sa kanyang paghahanda ang pagsali sa mga torneo sa US, kung saan nagwagi ang University of the East standout laban sa Amerikanong si  Eric Hahn, 6-3, 6-1 para maibulsa ang korona sa Clairemont Pro Futures Wild Card Tournament.

Bago umabot sa finals, pinatalsik muna ni Lim ang Brazilian na si Anthony Gomez, 6-2, 6-1 sa quarterfinal round at sinundan ng malaking panalo laban sa Amerikanong si Maximilian Wild, 6-3, 6-4 sa semifinal round.

Dahil sa panalo ni Lim, sinusuportahan ng Philippine Airlines at Philippine Sports Commission, nakakuha ito ng outright slot para sa ITF Futures tournament ngayong Setyembre.

Bunga ng masigasig na paghahanda sa SEA Games, inspirado si Lim kaya nasungkit din nito ang titulo sa Arcadia Public Parks tournament sa pamamagitan ng madaling panalo kay Chase Masciorini, 6-2, 6-2 sa Finals.

Ayon kay Lim, malaki ang naitulong nina dating SEAG champion Cecil Mamiit at US-based Filipino Orlando Silvosa para sa pag-improved ng kanyang all-around game.

Matapos sa matagum­pay na kampanya sa US, babalik si Lim sa Pinas sa Agosto 14  para ipagpatuloy ang paghahanda sa SEAG  kasama ang ibang mi­yembro ng national team na sina Ruben Gonzales, Jr., Jeson Patrombon, at Francis Casey Alcantara.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with