^

PSN Palaro

Children’s Game tagumpay sa Iligan City

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Children�s Game tagumpay sa Iligan City

Ang mga kabataang ito ang ilan lang sa mga lumahok sa Philippine Sports Commission Children’s Game  na idinaos sa Iligan City.

MANILA, Philippines - Sa gitna ng kaguluhan, sumaya rin ang mahigit 300 kabataan at nawala ang takot at lungkot matapos sumali sa isinagawang Philippine Sports Commission’s Children’s Games na ginanap sa Sgt. Miguel Canoy Memorial Central School mula Sabado at kahapon sa Iligan City.

Ang dating tahimik na Barangay Buru-un, mga 37 kilometro  ang layo mula sa Marawi City, ay nag-ampon ng mahigit isang daang pamilyang mga evacuees dahil sa nangyaring gulo sa kanilang lugar.

Ang mga kabataan mula sa dalawang evacuation centers malapit sa nasabing eskwelahan ay binigyan ng dalawang araw na kasiyahan bilang de-briefing at character building sessions sa pamamagitan ng mga nakaugaliang larong Pinoy.

Hangad ng PSC na mabigyan ng aktibidad ang mg akabataan sa pamamagitan ng sports para makalimot at makisaya sa kabila ng mga hindi inaasahang pangyayari.

Sa basbas ng Malacañang at sa tulong ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, isinagawa ang naturang “Children’s Games” para matanggal ang takot at lungkot.

“This day is for you.  Nandito ang PSC para sa inyo.  Maglaro kayo at maging masaya.  That is what PSC Chairman Ramirez wants to achieve in this activity,” sabi ni PSC commissioner Charles Maxey na kumatawan kay Chairman William Ramirez sa nasabing paligsahan ng mga kabataan.

Ayon naman kay Prof. Henry Daut ng PSC-Philippine Sports Institute at resident ng Iligan City, kailangan ang ganitong aktibidad para makalimot ang mga kabataan sa mga pangyayari.

“Play is something natural for children and through this we make them feel how valuable they are to us in the midst of this situation. let’s make them smile, make them happy and make them feel valued.  Play is our tool,” ayon kay Daut. 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with