^

PSN Palaro

Star buwenamano ang Blackwater

Pilipino Star Ngayon
Star buwenamano ang Blackwater

Hinabol ni Michael Digregorio ng Blackwater si Paul Lee ng Star sa aksyong ito sa PBA Governor’s Cup kagabi. (Jun Mendoza)

Laro sa Miyerkules (Smart Araneta)

4:15pm ROS vs NLEX

7pm Globalport vs Phoenix

MANILA, Philippines - Inilampaso ng Star Hotshots ang Blackwater Elite sa bisa ng 103-86 demolis­yon upang ma­ningning na simulan ang kampanya nito sa 2017 Philippine Basketball Association Governors’ Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nagsilbing lider ng Hotshots si Peter June Simon na kumamada ng 20 puntos, dalawang rebounds at isang assists sa loob lamang ng 16 minutong paglalaro para dalhin ang kanilang tropa sa unang panalo.

“Nasa two semis na kami sa last conferences kaya sana mas maging maganda ang resulta na­min this conference. I’m looking forward to give fire to my teammates. Very confident ako sa defense namin. No. 1 kami sa defense last conference. Kapag maganda defense namin, malaki ang chance namin na manalo,” wika ni Simon.

Nakatuwang ni Simon si Cinmeon Bowers na gumawa ng 15 puntos, walong rebounds at limang assists gayundin si Allein Maliksi na nagtala naman ng sariling 15 markers, tatlong boards at isang assist.

Nagparamdam rin sina Ian Sangalang na may 14 puntos, limang rebounds at isang assist, Rafi Reavis na may 11 puntos at apat na boards,at sina Paul Lee at Aldrech Ramos na may pinagsamang 14 puntos.

Nahulog sa 0-2 ang Elite na minanduhan ni Trevis Simpson na umiskor ng 24 puntos, walong boards at dalawang assists.

Dominado ng Elite ang shaded area tangan ang 51 rebounds laban sa 37 lamang ng Hotshots.

Subalit mas mabilis ang Star na nakakuha ng 23 assists na nagresulta sa kanilang 26 fastbreak points. May nakuha ring 55 puntos ang Hotshots mula sa bench players.

May 12 steals din ang Star at 27 puntos na nagawa mula sa 28 turnovers ng Elite.

Star 103 - Simon 20, Maliksi 15, Bowers 15, Sangalang 14, Reavis 11, Lee 7, Ramos 7, Barroca 6, Dela Rosa 6, Mendoza 2, Melton 0.

Blackwater 86 - Simpson 24, Erram 11, Digregorio 11, Cruz 10, Banal 8, Cervantes 5, Sumang 4, Buenafe 3, Sena 2, Canaleta 2, Pinto 2, Gamalinda 2, Aguilar 2, Pascual 0.

Quarters: 28-22, 49-40, 75-68, 103-86.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with