^

PSN Palaro

NLEX, Phoenix sosyo sa itaas

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
 NLEX, Phoenix sosyo sa itaas

Wala nang vital organs nang dumating sa bansa nitong Linggo ang katawan ng isang 38-anyos na overseas Filipino worker (OFW) na umano’y namatay noong nakalipas na buwan dahil sa atake sa puso sa Kuwait. Philstar.com/File

MANILA, Philippines -  Noong nakaraang komperensya ay dalawang panalo lamang ang naiposte ng NLEX.

Ngunit kaagad itong naduplika ng Road Warriors sa 2017 PBA Governor's Cup matapos talunin ang Kia, 100-93 kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Bagama't nagkaroon ng sugat sa kamay ay tumapos pa rin si import Aaron Fuller na may double-double mula sa kanyang 24 points at 19 rebounds para sa 2-0 record ng NLEX na pansamantalang nakisosyo sa liderato sa Phoenix Fuel Masters na naitala rin angikalawang sunod na panalo.

Nagdagdag naman sina Kevin Alas at Carlo Lastimosa ng tig-13 points kasunod ang 11 markers ni JR Quiñahan para sa Road Warriors, nagtayo ng 24-point lead, 64-40, sa halftime.

Nalasap naman ng Picanto, nakahugot kay import Markeith Cummings ng 30 points kasunod ang 15 at 13 nina Glenn Khobuntin at Chito Jaime, ayon sa pagkakasunod, ang ikalawang dikit na kamalasan.

Sa ikalawang laro, isi­nalpak ni import Eugene Phelps ang isang buzzer-beating layup para tulungan ang Phoenix sa 95-93 pagtakas laban sa Alaska.

Ito ang ikalawang sunod na pagkatalo ng Aces.

Samantala, magtutuos ang nagdedepensang Barangay Ginebra at Meralco sa unang pagkakataon ma­tapos magpang-abot sa nakaraang 2016 PBA Governor's Cup Finals.

Magtutuos ang Gin Kings at Bolts, asam ang kanilang ikalawang sunod na panalo, ngayong alas-6:45 ng gabi matapos ang laro ng Star Hotshots at Blackwater Elite sa alas-4:30 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum.

Matapos namang matalo sa Rain or Shine, 96-98 noong Biyernes ay kaagad pinauwi ng Globalport si import Jabril Trawick na nagtala ng 3 points, 2 rebounds at 2 assists sa loob lamang ng 16 minuto.

Si Murphy Holloway ang sasalo sa maiiwang trabaho ni Trawick.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with