^

PSN Palaro

BaliPure, Perlas-BanKo agawan sa playoff

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Kapwa nakatuon sa krusyal na panalo ang BaliPure at Perlas-BanKo sa kanilang paghaharap nga­yon, habang nais naman ng solo leader Creamline na palawigin pa sa anim ang kanilang winning run kontra sa University of the Philippines  sa pagpapatuloy ng  2017 Premier Volleyball League Open Conference sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Maghaharap ang Water Defenders at Perlas Lady Spikers sa alas-4 ng hapon kung saan ang mananalo sa kanila ang lalapit sa playoffs para sa semis slot.

Sa kabilang banda, paborito namang magwagi ang Cool Smashers laban sa UP Lady Maroons sa alas-6:30 ng gabi. 

Unang naka-puwesto sa semis ang Creamline sa kanilang hawak na 5-0 win-loss kartada.

Nagtapos ang dalawang sunod na panalo ng BaliPure, ang una ay sa Power Smashers (25-15, 22-25, 20-25, 25-19, 15-6) noong Hulyo 2 at ang ikalawa ay sa UP Lady Maroons, 25-23, 25-21, 25-23 noong Hulyo 8, biglang bumaba ang performance ng tropa ni coach Roger Gorayeb at natalo rin ng dalawang sunod kaya hirap silang makapasok sa susunod na round.

Umaasa si BaliPure coach Gorayeb na babalik na ang magandang performances nina Grethcel Soltones, Risa Sato, Aiko Urdas, Jerrili Malabanan at ace playmaker Jasmine Nabor kaya inaasahan ang mainit na laban.

Sa panig naman ni Per­l­as-BanKo mentor Nai Muhammad, gusto niyang manatiling buhay ang pag-asang makapasok sa semis kaya inaasahan din niya ang matikas na laro mula kay dating UP stalwarts Kathy Bersola at Nicole Tiamzon,  Sue Roces,  Ella de Jesus at top setter Jem Ferrer.

Maglalaban naman ang Sta. Elena at Mega Buil­ders sa alas-10 ng umaga at susunod ang pagsagupa ng Cignal HD sa Air Force Jet Spikers sa ala-1 ng hapon sa men’s division sa parehong venue.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with