^

PSN Palaro

Meralco tinambakan ang Blackwater

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Meralco tinambakan ang Blackwater

Akmang susupalpalin ni Raymond Aguilar ng Blackwater si Anjo Caram ng Meralco habang naka-depensa sa likod si James Ryan Sena sa PBA Governor’s Cup kagabi. (Miguel De Guzman)

MANILA, Philippines -  Itinuring ng Bolts ang kanilang unang laro sa 2017 PBA Governor’s Cup bilang isang ensayo.

Matapos buksan ang laro sa pamamagitan ng 24-6 bentahe ay tuluyan nang giniba ng Meralco ang Blackwater, 107-78  para iparamdam ang kanilang lakas kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Nagtala si point guard Baser Amer ng 20 points at 8 assists para pamunuan ang lima pang players na tumapos sa double figures sa unang panalo ng Bolts.

“It’s exactly the type of start we hoped for. We played well in our last two exhibition games,” sabi ni one-time Grand Slam champion coach Norman Black.

Nagdagdag si 2016 PBA Best Import Allen Durham ng 18 markers kasunod ang 15, 14, 13 at 11 markers nina Garvo Lanete, Jarred Dillinger, 2016 PBA Rookie of the Year Chris Newsome at Cliff Hodge, ayon sa pagkakasunod.

Binuksan ng Meralco ang laro sa pagtatala ng 24-6 abante hanggang kunin ang 32-point lead, 63-31, mula sa basket ni Durham bago ang halftime.

Mula rito ay hindi na nakabangon ang Blackwater.

Kasalukuyan pang nag­lalaban ang Globalport Batang Pier at Rain or Shine Elasto Painters habang sinusulat ito.

Samantala, kapwa pupuntiryahin ng NLEX at Phoenix ang kanilang ikalawang sunod na ratsada matapos manalo sa una nilang laro noong Miyerkules.

Haharapin ng Road Warriors ang Kia Picanto ngayong alas-3 ng hapon, habang lalabanan ng Fuel Masters ang Alaska Aces sa alas-5:15 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Kumpara sa NLEX at Phoenix ay nagmula naman ang Kia at Alaska sa pagkatalo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with