^

PSN Palaro

Perlas-BanKo nagpalakas

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nanatiling buhay ang pag-asa ng Perlas-BanKo na pumasok sa semifinal round matapos magwagi laban sa University of the Philippines Lady Maroons, 30-28, 21-25, 25-21, 25-18 noong Miyerkules ng gabi sa 2017 Premier Volleyball League Open Conference sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.

Pinangunahan nina  Nicole Tiamzon at Jorella de Jesus ang Lady Spikers sa kanilang tig-15 puntos bawat isa habang 14 naman kay Kathy Bersola at 13 mula kay Sue Roces sa isang oras at 41 minuto na sagupaan kung saan nasungkit nila ang kanilang ikalawang panalo sa limang laro.

Bukod kay Tiamzon at De Jesus, malaki rin ang naitulong ni Gizelle Tan na nakikipagsabwatan kay De Jesus para sa kabuuang 38 excellent sets na siyang nagpa-bagsak sa UP Lady Maroons sa huling puwesto kasama ang Power Smashers sa parehong 1-4 win-loss kartada.

Ang BaliPure Water Defenders ay 2-2 sa standing habang ang Creamline Cool Smashers ay wala pang talo sa limang laro (5-0).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with