^

PSN Palaro

Bagitong import bibinyagan na

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Bagitong import bibinyagan na

Meralco kontra blackwater; Globalport vs Rain or Shine

MANILA, Philippines -  Nakapaglaro na si import Joshua Smith sa nakaraang 2017 PBA Commissioner's Cup at inaasahang nabigyan niya ng orientation ang dati niyang college teammate na si Jabril Trawick.

Ipaparada ng Globalport ang 6-foot-5 na si Trawick sa kanilang pagsagupa sa Rain or Shine ngayong alas-7 ng gabi sa 2017 PBA Governor's Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Sa unang laro sa alas-4:15 ng hapon ay mag­tatagpo naman ang Meralco, ang runner-up sa nagharing Barangay Ginebra noong nakaraang taon at  ang Blackwater.

Ang NBA D-League veteran na si Trawick ay dating kakampi ni Smith, naging reinforcement ng TNT katropa sa nakaraang 2017 PBA Commissioner’s Cup, sa Georgetown University.

Sa kanyang paglalaro sa nakaraang season ng NBA D-League ay nagtala si Trawick ng mga averages na 13 points, 3.3 rebounds at 2.7 assists sa 37 games ng Sioux Falls Skyforce.

Inaasahang dodoblehin ni Trawick ang naturang mga numero sa kanyang pagkampanya para sa Batang Pier, itatampok din si veteran guard Ryan Araña.

Itatapat naman ng Elasto Painters kay Trawick si 6'4 1/2 reinforcement James Weatherspoon, ikinumpara ang kanyang sarili kay NBA superstar Vince Carter.

Samantala, sisimulan naman ng Bolts at ni 2016 PBA Best Import Allen Durham ang pagbangon mula sa mapait na karanasan sa kanilang championship series ng nagdedepensang Ginebra Gin Kings kung saan sila nasibak sa Game Six mula sa game-winning three-point shot ni Justin Brownlee.

Lalabanan ng Meralco ang Blackwater na magtatampok kay 6'4 import Trevis Simpson, beterano ng Greek at French leagues.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with