^

PSN Palaro

Goodbye

PRESSROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Lumalim na ang sugat sa pagitan ni Manny Pacquiao at Bob Arum.

Mukhang tapos na ang kanilang mahabang relasyon bilang boxer at promoter.

Ayaw na ni Pacquiao mag-renew ng contract sa Top Rank.

Sa tingin ko, goodbye, Uncle Bob.

Masama ang loob ni Pacquiao kay Arum. Sa tingin niya ay may himalang nangyari.

Feeling kasi ni Pacquiao, nilaglag siya ni Arum sa Brisbane kaya nanalo si Jeff Horn kahit na sa statistics ay talo ito.

May post si Horn na litrato kahapon sa Instagram.

Kasama niya si Arum sa U.S. Abot tenga ang ngiti nila. Nakaakbay si Arum kay Horn. Parang sila ni Pacquiao nung 2006.

Si Horn na ang bagong manok ni Arum.

“Last fight ko na yan sa Top Rank,” sabi ni Pacquiao.

May mga sinabi pa si Pacquiao pero ang request niya ay “off the record” at hindi pwedeng isulat.

Malalim ang pinagmulan ng hidwaan.

Nung matalo si Pacquiao kay Tim Bradley nung 2012, may lutuan din na nangyari at maaaring may kinalaman ang beteranong promoter.

Mahirap patunayan. Pero ang kutob, madalas tama.

Abangan natin kung ano ang mangyayari dahil may Pacquiao-Horn rematch na magaganap.

Siguradong didiga si Arum. C

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with