^

PSN Palaro

Pacquiao pumayag na sa rematch

Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao pumayag na sa rematch

Sen. Manny pacquiao

MANILA, Philippines - Magkakaroon ng “Battle of Brisbane” Part 2.

Hindi pinansin ang mga humihiling na tuluyan na siyang magretiro sa boxing, sinabi ni Manny Pacquiao pumayag na siya para sa isang rematch kay Australian Jeff Horn.

“May rematch,” wika ni Pacquiao sa mga reporters noong Lunes.

Binanggit ito ng 38-an­yos na boxer sa isang hapunan sa kanyang mansion sa General Santos City.

Wala sa menu ang salitang retirement at hindi niya ito nabanggit.

Mas tinalakay niya ang rematch kay Horn at kung paano siya gaganti sa pagkatalo sa mga judges at sa referee.

“Rematch,” sambit ni Pacquiao.

Maaari itong gawin sa Nobyembre hanggang hindi makakaabala sa kanyang trabaho sa Senado.

“Pag-uusapan yan,” dagdag ni Pacquiao.

Hindi nilinaw ni Pacquiao ang kanyang sina­bing huli na niyang laban noong Linggo sa kanyang promotional contract sa Top Rank.

“Last na ‘yun sa contract namin,” wika ni Pacquiao.

Ayon naman kay Horn, handa siyang muling labanan si Pacquiao kahit na bumiyahe siya patungong Pilipinas.

Ngunit kinabukasan ay sinabi ng Australian na mas gusto niyang gawin ang rematch sa kanyang bansa.

“Bakit ayaw nila rito?,” tanong ni Pacquiao kay Horn. “Eh di sa Brisbane. Dun tayo sa Brisbane ulit. No problem.”

Ngayon pa lamang ay nag-iisip na si Pacquiao kung paano siya makakaganti kay Horn at ang mga judges at referee na hu­mawak sa pinakamalaking boxing match sa Australia.

Inamin ni Pacquiao na ang pinakamalaki niyang pagkakamali ay ang paghahabol para sa isang knockout win.

“Mali eh,” ani Pacquiao. “Hindi talaga pinipilit ang knockout. Dapat ang plan is to throw more punches. Throw more punches.”

Kung maitatakda ang rematch ay gusto ni Pacquiao na magkaroon din siya ng pagkakataong makapili ng referee at judges.

“Hindi marunong yung referee. Humaharang,” wika ni Pacquiao. “I will not ask the judges to favor me but I want them to be fair. Kung talo ako, talo. Kung panalo ako, panalo.”

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with