^

PSN Palaro

Horn problema ang timbang

Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon
Horn problema ang timbang

Naki-pag-selfie si Jeff Horn sa kanyang mga kababayan matapos ang public workout kahapon. (Abac Cordero)
 

BRISBANE, Australia -- Nagdaos si Jeff Horn ng isang maikling public workout at ipinaalam sa mga boxing fans na overweight siya ng tatlo hanggang apat na kilo.

Tinanong ang Brisbane native tungkol sa kanyang ginagawa ilang araw bago niya hamunin si Manny Pacquiao.

“All I’m thinking about right now is making weight. That’s the next challenge ahead of me. On Sunday morning, that’s when the focus moves to the fight,” sabi ni Horn.

Ang 5-foot-9 na Australian ay mas malaki para sa isang welterweight (147 pounds) boxer.

Tumimbang si Horn, tangkang agawin kay Pacquiao ang suot na WBO crown, ng 70.3 kilos (154 .9 pounds) at kailangang magbawas ng tatlong kilos.

“I’m now at 70.3 kilos with three to four kilos to lose,” wika pa ni Horn.

Si Horn ay tinanong ng emcee kung paano niya ito gagawin.

Nakatakda ang official weigh-in bukas ng alas-9 ng umaga at kailangan ni Horn na tumimbang ng 147 pounds (66.6 kilos) kung hindi ay mawawala sa kanya ang tsansang maagaw ang titulo kay Pacquiao sakaling manalo siya sa Linggo.

“What I’m gonna do is train on Friday night and I’ll be wearing a plastic suit to cut maybe a kilo and then the next morning I’m going to wake up just before the weigh-in and cut the next couple of kilos,” ani Horn.

Samantala, pinipilit naman ni Pacquiao na u­mabot sa 147 pounds.

Bago umalis ng Gene­ral Santos City noong nakaraang Sabado ay underweight si Pacquiao ng anim na pounds.

Limang beses kumakain si Pacquiao sa loob ng isang araw para mapanatili ang kanyang timbang.

Si Horn ay sinamahan sa makeshift ring ni trainer at manager Glenn Rushton.

Natanong ang Brisbane school teacher tungkol sa pagbababad ni Pacquiao sa kanyang mobile phone kesa sa press conference kamakalawa.

“It’s a bit disrespectful not just to me but everyone else who was there. It’s like he was disinterested in what was going on or he’s taking us lightly,” sabi ni Horn.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with