^

PSN Palaro

Cignal masusubok sa Wangs Basketball

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sapat ang siyam na araw na pahinga upang ma­kaipon ng lakas ang Cignal HD bago muling sumabak ngayong hapon sa 2017 PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Makakatipan ng Cignal ang Wangs basketball sa alas-3.

Hawak ng Hawkeyes ang 5-2 baraha at masaya si coach Boyet Fernandez sa ipinakita ng kanyang tropa sa naturang seven-game swing.

Subalit wala sa plano ni Fernandez na maging kumpiyansa dahil marami pang dapat ayusin sa ka­nilang sistema.

“May mga mali pa rin, but we just have to be consistent and not be complacent in our coming games,” wika ni Fernandez.

Malaking butas ang naiwan sa Cignal sa pagkawala ni Davon Potts na naghahanda na kasama ang San Beda sa pagdepensa ng titulo sa NCAA Season 93 men’s basketball tournament na magsisimula sa Hulyo 8.

Kaya naman maiiwan ang pasanin kina Raymar Jose at Jason Perkins na pareho namang beterano ng mga krusyal na bakbakan.

Haharap ang Hawkeyes sa Wangs Basketball na galing sa dalawang sunod na panalo para uma­ngat sa 3-2 rekord.

Nakatakda naman ang pukpukan ng AMA Online Education (0-4) at Centro Escolar University (2-2) sa alas-5.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with