Maraming pagbabago sa Lady Mall Spikers
MANILA, Philippines - Mas makinang na Perlas Lady Spikers ang inaasahang rarampa sa pagkakataong ito sa pagsisimula ng Premier Volleyball League Open Conference sa Sabado sa The Arena sa San Juan City.
Ilang pagbabago ang naganap sa Perlas Lady Spikers.
Mula sa dating pangalan nito, tatawagin na ang koponan bilang Xentro Mall Lady Mall Spikers.
Bagong coach din ang ipaparada ng Lady Mall Spikers dahil kinuha ng prangkisa si Thai coach Nai Muhammad na siyang humalili kay coach Jerry Yee.
Si Yee ay napunta sa bagong koponang Hapee Toothpaste.
Papalo para sa Lady Mall Spikers si dating Ateneo standout Amy Ahomiro kasama sina dating UP players Kat Bersola at Nicole Tiamzon gayundin sina Jem Ferrer, Sue Roces, Ella de Jesus at Mae Tajima.
Pasok din sa koponan sina Ateneo libero Gizelle Tan, Bea Tan, Rysabelle Devanadera, Carmina Acevedo at Raprap Aguilar.
Nagtapos ang Lady Mall Spikers sa ikalimang puwesto sa katatapos lang na Reinforced Conference.
Maliban sa Xentro Mall at Air Force, sasabak din sa edisyong ito ang reigning champion Pocari Sweat at poboritong Creamline.
Hahataw din ang Adamson-Akari, Hapee Fresh Fighters, Power Smashers at BaliPure.
- Latest