^

PSN Palaro

Pacquiao ramdam na ang edad

Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao ramdam na ang edad

Nag-pose sina Manny Pacquiao at Jeff Horn matapos ang kanilang press confe­rence. AC

BRISBANE, Australia - Sa edad na 38-anyos ay hindi na si Manny Pacquiao ang kilalang Energizer bunny na hindi maawat-awat ang pagkilos.

Sa kanyang training camp para sa kanilang upakan ni Jeff Horn sa Linggo ay inamin ni Pacquiao na nararamdaman na niya ang pagtanda.

“Hindi na kagaya nung dati,” sabi ni Pacquiao. “Iba nung 30 years old ako.” Sa kanyang pagtungtong sa edad na 30-anyos ay isa-isang tinalo ni Pacquiao sina Oscar dela Hoya at Ricky Hatton at binugbog sina Antonio Margarito at Miguel Cotto.

Ang panalo kay Cotto noong 2009 ang pinakahuling pagkakataon na nakaiskor si Pacquiao ng KO victory.

“I’ve been looking for a knockout for a long time now,” sabi ni trainer Freddie Roach na nagsabi sa press kamakalawa na kapag nahirapan si Pacquiao na talunin si Horn ay kailangan na niyang magretiro.

Maraming fans ang umaasang makakapagtala si Pacquiao ng isang knockout win laban sa 29-anyos na dating schoolteacher mula sa Brisbane.

“This is the perfect guy to destroy,” ani strength coach Justin Fortune kay Horn.

Kilala si Pacquiao na hindi humihinto sa kanyang training sessions.

Ngunit sa nakaraang mga taon at laban ay nakikita na ang paghina ni Pacquiao.

Ilang roadwork o gym sessions ang ipinagpaliban ni Pacquiao maging ang bilang ng sparring rounds at ang pagpili ng mga sparring partners na hindi makakasakit sa kanya.

“I can train 30 rounds a day when I was young. Kaya pa naman ngayon. But the problem is in the recovery,” sabi ni Pacquiao.

Kahapon ng umaga ay hindi siya tumakbo at mas piniling dumalo sa traditional press conference bago dumiretso sa gym para sa isang afternoon session.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with