^

PSN Palaro

Batangas pinahigpit ang kapit sa solo No. 2

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Matikas na pinataob ng Batangas ang Zark’s Burgers nang iselyo ang impresibong 124-84 demolisyon kagabi sa 2017 PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Kumamada si Cedrick Ablaza ng 16 puntos para tulungan ang Batanguenos na sumulong pa sa 4-1 baraha at mapatatag ang kapit sa solong ikalawang puwesto - sa ilalim ng na­ngungunang Flying V (4-0).

“Kailangang gawin namin ng tama yun ang importante sa akin,” ani Batangas coach Eric Gonzales.

Nakalikom din si Joseph Sedurifa ng 16 puntos kalakip ang 15 rebounds at pitong assists gayundin si Earvin Mendoza na may sariling 16 puntos at apat na boards.

Nanguna para sa Jawbreakers si Robby Celiz na may 21 puntos subalit hindi ito sapat para tuluyang mahulog ang kanyang tropa sa 1-5.

Sa unang laro, nagpasabog ang Tanduay ng 53 puntos sa third quarter upang hatakin ang 113-71 panalo laban sa Gamboa Coffee Mix.

Mula sa 34-37 pagka­kabaon, umariba ng husto ang Rhum Masters nang maglatag ito ng impresibong run sa ikatlong kanto na siyang pinakamalaking produksiyon sa kasaysa­yan ng liga upang makuha ang 87-49 abante.

Ang panalo ang nagdala sa Rhum Masters sa ikatlong tagumpay sa apat na laro.

Nasandalan ng Tanduay sina Von Tambeling, Lester Alvarez at Paul Varilla na may 21-of-26 field goal shooting.

“Si Von Tambeling talaga ang spark namin. Di ko siya pinalaro ng first half, pero ang ganda ng pinakita niya para sa amin. Nakita namin yung energy na nawawala noong first half,” sambit ni Tanduay coach Lawrence Chongson.

Nagsumite si Tambe­ling ng 13 puntos kasama ang tatlong rebounds at dala­wang assists habang na­nguna sa scoring si Alvarez na may 17 markers tampok ang 10 sa third quarter, kasama ang 11 assists at tatlong boards.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with