^

PSN Palaro

Pinoy tracksters may pahabol pang ginto

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pinoy tracksters may pahabol pang ginto

    Nasa larawan ang miyembro ng Phl team 4x100m relay na umukit ng bagong record sa katatapos lang na Hong Kong Inter-City Athletics Championships.
 

MANILA, Philippines -  Humirit pa ang national track and field squad ng isang ginto, dalawang pilak at dalawang tansong medalya sa huling araw ng 2017 Hong Kong Inter-City Athletics Championships na ginanap sa Tseung Kwan O sa Hong Kong.

Nakasiguro rin ng ginto si Patrick Unso nang magsumite ito ng 14.02 segundo sa men’s 110-meter hurdles habang nagdagdag ng pilak na medalya sina Edgardo Alejan Jr. (men’s 400m run) at Eliza Luzon (women’s 100m). Ang tansong medalya ay nakuha nina Clinton Bautista (men’s 110m hurdles) at Michael Del Prado (men’s 400m run).

Sa kabuuan, umani ang Pinoy tracksters ng limang ginto, tatlong pilak at dalawang tanso.

Una nang nakasungkit ng ginto sina Luzon sa women’s 200m dash (24.78 segundo), Janry Ubas sa men’s long jump (7.67m), Archand Christian Bagsit sa men’s 200m dash (21.71 segundo) at Katherine Khay Santos (6.06m).

May pilak din sina Bagsit, Unso, Anfernee Lopena at Trenten Beram sa 4x100m relay tampok ang bagong Philippine record na 39.96 segundo.

“Based on their performances, I’d say the team’s general path is on an upswing. These guys work so hard and are so focused to sustain their gains up to the SEA Games,” wika ni American consultant coach Rohsaan Griffin na siyang gumagabay sa pagsasanay ng mga atleta sa Hong Kong Sports Institute.

Sunod na lalahukan ng national team ang 2017 Asian Athletics Championships na idaraos sa Odisha, India sa Hulyo 6 hanggang 10 kasunod ang Pre-SEA Games Malaysia Open sa Hulyo 16 hanggang 18 sa Kuala Lumpur, Malaysia  at ang World Championships sa London sa Agosto 4 hanggang 13.

Lalahok sa naturang world meet sina Fil-Am Eric Shauwn Cray at Ernest John Obiena.

Kamakailan lamang ay nakahirit ng pilak si Obiena sa 22nd International Meeting sa Velenje Slovenia kung saan nagtala ito ng 5.50m para lampasan ang SEA Games gold-medal standard na 5.30m.  

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with