^

PSN Palaro

TNT Katropa iiwas mabaon

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -   Sumasakay sa kanilang two-game winning run, pipilitin ng Beermen na makalapit sa kanilang inaasam na pang-24 kampeonato, habang hangad naman ng Tropang Texters na makatabla.

Magtutuos ang San Miguel at TNT Katropa ngayong alas-7 ng gabi sa Game Four ng 2017 PBA Commissioner’s Cup Finals sa Smart Araneta Coliseum.

Itinakas ng Tropang Texters ang 104-102 panalo sa Game One, habang inangkin ng Beermen ang Game Two, 102-88, at Game Three, 109-97  para kunin ang 2-1 bentahe sa kanilang best-of-seven championship series.

Ang ikatlong sunod na panalo ng San Miguel, nasa kanilang ika-38 finals appearance, ang magbabaon sa TNT Katropa sa 3-1.

Ngunit inaasahang bago ito makuha ng Beermen ay pahihirapan muna sila ng Tropang Texters.

Sa Game Three ay nagkaroon ng komprontasyon sina San Miguel guard Chris Ross at defensive guard Ryan Reyes ng TNT Katropa.

“I told the players na we have to be focused, and we don’t want to engage in any untoward incident against them, dahil we’re trying to protect the image of San Miguel Beer,” sabi ni coach Leo Austria sa kanyang mga Beermen.

Muling aasahan ng San Miguel sina import Charles Rhodes, three-time MVP June Mar Fajardo, Arwind Santos, Alex Cabagnot, Marcio Lassiter at Ross.

Itatapat naman ng Texters sina reinforcement Joshua Smith, Jayson Castro, Ranidel De Ocampo, Kelly Williams, RR Garcia, rookie Roger Pogoy at Reyes.

Bagama’t may iniindang torn ligament sa hinlalaki ng kanyang kanang paa ay maglalaro pa rin ang 6-foot-9  na si Smith.

“No, no, we’re not even thinking about that (change) at this point,” wika ni mentor Nash Racela kay Smith, nagtala ng 18 points, 14 boards, 3 assists, 2 blocks at 1 steal sa loob ng 24 minuto sa kanilang kabiguan sa Game Three noong Linggo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with