^

PSN Palaro

Bitoon humataw sa panalo ng Wangs

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon(Ynares Sports Arena, Pasig)

3 p.m.  Gamboa Coffee Mix vs Tanduay

5 p.m.  Batangas vs Zark’s Burgers

MANILA, Philippines - Ginulantang ng Wangs Basketball ang Racal Motors sa bisa ng 93-84 panalo kahapon sa 2017 PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Bumandera si Chris Bitoon sa ratsada ng Couriers nang magpasabog ito ng 13 puntos sa second half upang makuha ang kabuuang 22 puntos kasama pa ang limang steals, apat na rebounds at tatlong assists.

Solido ang suporta ni Robbie Herndon na may double-double na 17 mar­kers at 13 boards.

“Big fish yung tinalo namin, pero sa pagsisikap at team effort, nakuha namin yung panalo,” ani Wangs coach Pablo Lucas.

Naramdaman din ang lakas ni Michole Sorela na siyang kumana ng mga importanteng puntos sa fourh quarter kung saan nakakolekta ito ng 10 puntos.

Umani si Sorela ng kabuuang 13 puntos at pitong rebounds para iangat ang Wangs sa 3-2 rekord - ang pinakamagandang simula ng prangkisa sa liga.

“Nakukuha na namin yung chemistry, unlike before na may wall. Namotivate namin yung players na kailangan talaga naming maging isa kung gusto naming manalo,” ani Lucas.

Nagtala naman si Marlon Gomez  ng 15 points at anim na rebounds para sa  Racal Motors na lumasap ng ikalawang sunod na talo. 

Naglista naman si Roider Cabrera ng 3-of-8 shooting slip sa three-point area para sa 14 markers.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with