^

PSN Palaro

Respetadong pagtatapos

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (Baliwag Star Arena)

5 pm  Cherrylume vs Cocolife

7 pm  Generika-Ayala vs Cignal

MANILA, Philippines - Asahan ang matin­ding bakbakan sa pagitan ng Cignal at Generika-­A­yala na naghahangad na magarbong tapusin ang group stage ng Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference ngayong araw sa Baliwag Star Arena sa Bulacan.

Nakatakda ang pukpukan ng HD Spikers at Lifesavers sa alas-7 ng gabi habang aarangkada rin ang duwelo ng Cherrylume at Cocolife sa alas-5 ng hapon.

Galing ang HD Spikers sa panalo laban sa Petron kaya’t bahagyang mataas ang kumpiyansa nito bago harapin ang Lifesavers.

Kasalukuyang nasa ikalawang puwesto ang Cignal tangan ang 4-1 marka sa Pool C habang nasa unahan ang two-time Grand Prix champion Foton na may 5-1 baraha.

Nasa No. 3 ang Petron (4-2) at No. 4 ang Generika-Ayala (2-3).

Sa Pool D, hawak ng nagdedepensang F2 Logistics ang 4-2 kartada kasunod ang Sta. Lucia (2-4), Cocolife (1-4) at Cherry­lume (0-5).

Anuman ang maging resulta ng laro ngayon, ito na ang magsisilbing final ranking bago pumasok sa quarterfinals.

Makakaharap ng Foton sa knockout stage ang Cherrylume habang titipa­nin ng Cignal ang Cocolife.

Ang iba pang quarterfinal pairings ay ang Petron laban sa Sta. Lucia at Generika-Ayala laban sa F2 Logistics.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with