CdSL-V Hotel kampeon sa MBL Open
MANILA, Philippines - Sumandig ang Colegio de San Lorenzo-V Hotel sa tikas ni Soulemane Chabi Yo para sorpresahin ang top favorite FEU-NRMF-Gerry's Grill, 87-85 sa isang makapigil-hiningang sagupaan at makumpleto ang isang Cinderella finish sa 2017 MBL Open basketball championship.
Tumapos ang 6-6 import mula sa Benin ng 28 puntos sa kabila ng mahigpit na depensa nina FEU imports Moustapha Arafat at Kareem Abdul upang pamunuan ang Griffins sa una nitong titulo sa MBL.
Ang African import, na nahirang na MVP ay nagpasiklab sa kanyang mga high-flying moves at monster slam dunks sa kabuuan ng laro.
Nakasama ni Chabi Yo sa mythical team ang teammate na si Formento, Crellin ng FEU-NRMF, Mike Ayonayon ng PCU at Alex Diakhite ng Diliman.
- Latest