^

PSN Palaro

Pacquiao puwersado sa KO win vs Horn

Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao puwersado sa KO win vs Horn

Binigyan si Manny Pacquiao ng military honors bago siya sumakay sa eroplano patungong Brisbane, Australia para sa kanilang laban ni Jeff Horn. Wendell [email protected]

GENERAL SANTOS CITY, Philippines - Dahil sa patuloy na pagbulusok ng kanyang popularidad ay kailangang-kailangan ni Manny Pacquiao na makaiskor ng knockout win laban kay Jeff Horn sa Hulyo 2 sa Brisbane, Australia.

Ito ang unang pagkakataon matapos noong 2005 na hindi isasaere nang live ang isang laban ni Pacquiao sa pay-per-view.

At hindi ito magandang senyales para sa isang fighter na nakakapagbenta ng milyon sa PPV.

Ang ESPN, ang nangu­ngunang sports netwok, ang magsasaere ng laban sa ordinary TV nang libre.

Kaya naman kaila­ngan ni Pacquiao ng isang knockout win para mu­ling maitaas ang kanyang pangalan at si Horn ang maaari niyang gamitin para maisakatuparan ito.

“I don”t predict fghts,” sabi ni Pacquiao.

Inaasahan ni Justine For­tune, ang Australian strength and conditio­ning coach ni Pacquiao, na makakita ng isang mabilis na knockout win.

“He has to. He has no choice,” wika ni Fortune sa 38-anyos na si Pacquiao, itataya ang kanyang suot na WBO welterweight crown sa harap ng 55,000 fans sa Brisbane.

Pipilitin din ni Pacquiao na buhayin ang kanyang nananamlay na reputasyon bilang isa sa mga boxing superstars.

“If he knocks this guy out the future opens up for him,” sabi ni Fortune, kagaya ng milyun-milyong fans ni Pacquiao ay gusto ring makakita ng isang knockout win.

Sakaling mapabagsak ni Pacquiao si Horn ay malakas ang tsansang makaharap niya si rising star Terence Crawford bago matapos ang taon o ang dream rematch kay Floyd Mayweather Jr.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with