^

PSN Palaro

Bumawi ang Beermen

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Bumawi ang Beermen

Mahigpit na depensa ang inilatag ni June Mar Fajar­do ng Beermen kay Tropang Texters import Joshua Smith sa Game 2 ng PBA Finals. Joey Mendoza

Laro Bukas

(Smart Araneta Coliseum)

6:30 p.m. TNT Katropa

vs San Miguel

(Game 3, Finals)

MANILA, Philippines - Gamit ang kanilang championship experience, bumangon ang Beermen mula sa 17-point deficit sa first period para itabla ang kanilang championship series ng Tropang Texters.

Nang maagaw ang nine-point lead sa halftime ay hindi na nagpapigil ang San Miguel sa second half patungo sa pagtatala ng 102-88 panalo laban sa TNT Katropa sa Game Two ng 2017 PBA Commissioner’s Cup Finals kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Matapos kunin ang 52-43 bentahe sa first period ay umarangkada ang Beermen sa third quarter kung saan nila ibinaon ang Tropang Texters sa 72-49 buhat sa three-point shot ni Chris Ross sa 7:41 minuto nito.

Lalo pang iniwanan ng San Miguel ang TNT Katropa sa pagsisimula ng final canto matapos isalpak ni three-time Most Valuable Player June Mar Fajardo ang dalawang magkasunod na jumper para sa kanilang 32-point advantage, 94-62.

Sapat na ang naturang kalamangan para ipahinga ni Beermen coach Leo Austria ang kanyang mga kamador at ang starting five ni Tropang Texters mentor Nash Racela.

Nauna nang inilusot ni Smith ang Tropang Texters laban sa Beermen sa Game One, 104-102, noong Miyerkules.

Kaagad kumamada ang TNT Katropa sa ope­ning period nang iposte ang 17-0 abante bago maagaw ng San Miguel ang 33-32 abante sa 6:12 minuto ng second quarter.

Tuluyan nang nakamit ng Beermen, nasa kanilang ika-38 finals appearance at target ang pang-24 korona,  ang first half bitbit ang 52-43 lead kontra sa TNT Katropa.

Sa naturang yugto ay kumamada si Arwind Santos ng 11 points tampok ang perpektong 3-of-3 shooting sa three-point range para sa Beermen.

Naglista naman si Jayson Castro ng 10 points, 3 rebounds at 3 assists sa panig ng Tropang Texters.

Samantala, kung ma­aayos kaagad ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang mga papeles ay posibleng makapaglaro si Fil-German Christian Standhardinger at TNT Katropa standby import Mike Myers para sa Gilas cadet sa 2017 Jones Cup Invitational Championship sa Taipei.

Nakatakdang dumating sa Pilipinas ang 6-foot-7 forward na si Standhardinger, naglaro ng college ball sa Nebraska at Hawaii, sa susunod na linggo para makipag-ensayo sa Gilas cadet team na nagha­handa para sa Jones Cup, nakatakda sa Hulyo 15-23.

San Miguel 102 - Fajardo 22, Ross 20, Santos 16, Cabagnot 13, Lassiter 8, Rhodes 7, Espinas 6, Reyes 4, Agovida 2, Semerad 2, Tubid 2, Heruela 0, Van Opstal 0.

TNT Katropa 88 - Castro 14, Semerad 12, Rosario 12, Smith 11, Rosales 9, Tautuaa 8, Carey 8, Williams 4, De Ocampo 3, Garcia 3, Hernandez 2, Nuyles 2.

Quarterscores: 24-32; 52-43; 90-62; 102-88.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with