Lagarde 2 titulo ang hahatawin sa PPS Digos
MANILA, Philippines - Babanderahan ni General Santos City ace Klyde Lagarde ang mga kalahok sa Palawan Pawnshop-Palawan Express Pera Padala Digos leg regional age group tennis tournament na nagsimula kahapon sa Davao del Sur.
Inaasahang makakakuha ng mabigat na kompetisyon si Lagarde, isa sa 10 recipients ng Macs Crankit Tennis Academy scholarship sa Australia, sa boys’ 16- at 18-and-under divisions kung saan siya ang top seed.
Ilan dito ay sina No. 2 Ramon Bentillo, Duke Silva, Jyle Cyrin Martinez at Ronnel Aboy kasama si Bruce Hurtado sa U-16 class sa premier division ng Group 2 tournament na itinataguyod ng Palawan Pawnshop at inihahandog ng Slazenger.
Nakamit naman ni April Minette Bentillo, miyembro rin ng Aussie-bound group, ang top seeding sa 14-U category kasama sina Angelica Novis, Jilian Manangking at Jasmen Kadalum.
“While the Aussie-bound players are out to impose their will, we expect others to step up,” sabi ni Palawan Pawnshop president/CEO Bobby Castro.
Humigit-kumulang sa 200 entries ang mag-aagawan para sa top honors at ranking points sa nasabing five-day tournament kung saan tatargetin nina Danna Abad at Jazzelle Madis ang 16- at 18-U titles sa girls’ side sa event na suportado ng Asiatraders Corp. at ng Unified Tennis Group na pinamumunuan ng PPS-PEPP, Cebuana Lhuillier, Wilson, Toby’s at B-Meg.
Sa boys’ 14-U division ay itatampok sina Cedric Pamplona, Karl Palo, Andre Sing at Andrei Padao.
Maglalaro rin sina Pamplona, Sing at Padao sa 12-U category na pinamumunuan ni Reyman Saldivar Jr.
Dodominahin naman ni Tenielle Madis ang 10-unisex side na pipigilang mangyari nina Joji Taketomi, Raicy Bentillo at Sawn Globasa, ayon kay PPS-PEPP sports program development director Bobby Mangunay.
- Latest