^

PSN Palaro

Solo 2nd inupuan ng Batangas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nasolo ng Batangas ang ikalawang puwesto makaraang pataubin ang AMA Online Education, 95-76 kahapon sa 2017 PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sumandal ang Ba­tangueños sa mainit na simula sa pangunguna nina Jhaps Bautista at Joseph Sedurifa para kunin ang 22-10 kalamangan sa unang kanto.

Pinalobo pa ito ng Batangas sa 21 puntos, 55-34, may 6:13 pa sa third quarter.

Mula rito ay hindi na lumingon pa ang Batangueños para makuha ang ikatlong panalo sa apat na laro.

“Maganda yung naging investment namin noong nakaraang conference. Yung core ng team intact at tingin ko, naa-absorb na nila yung mga gusto ko para sa isang team,” wika ni Batangas coach Eric Gonzales.

Naglista si Bautista ng 22 puntos tampok ang 12 sa unang dalawang kanto kalakip ang anim na rebounds habang umani naman si Sedurifa ng 16 markers, walong boards at dalawang steals.

Nagdagdag si Cedrick Ablaza ng 11 points at pitong rebounds sa panalo ng Batangas na nagsilbing resbak sa kanilang tinamong 70-72 kabiguan sa kamay ng Centro Escolar University noong Huwebes.

Tiwala si Gonzales na magpapatuloy ang magandang laro ng kanyang tropa upang makalapit sa inaasam na puwesto sa quarterfinals.

“Sabi ko sa kanila, dream ko na makapasok sa quarters. Kaya ang dami pa rin talaga naming kaila­ngang i-correct,” sambit ng two-time PBA D-League champion mentor.

Wala pa ring panalo ang Titans sa apat na laro.

BATANGAS 95 - Bautista 22, Sedurifa 16, Ablaza 11, Anderson 10, De Joya 8, Napoles 7, Ragasa 6, Mag-isa 5, Saitanan 4, Mendoza 3, Laude 3, Dela Peña 0.

AMA ONLINE EDUCATION 76 - Villanueva 14, Subido 13, Alas 12, Paras 10, Bonleon 9, Flores 5, Salonga 4, Pontejos 4, Macaranas 3, Celso 2, Jordan 0, Bragais 0.

Quarters: 22-14, 44-26, 73-57, 95-76.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with