^

PSN Palaro

Minnesota ‘di pa tiyak ang mahuhugot na player sa Draft

Pilipino Star Ngayon
Minnesota �di pa tiyak ang  mahuhugot na player sa Draft

Paul  George ng Indiana Pacers at Jimmy Butler ng Chicago Bulls
 

MANILA, Philippines -  MINNEAPOLIS--Da­dalo ang Minnesota Timberwolves sa 2017 NBA draft para hirangin ang kanilang No. 7 overall pick sa first round, ngunit hindi tiyak kung ang player na gusto nila ay kanilang makukuha.

Ang nasabing player ay maaaring hindi isang rookie.

Sa pagbubukas ng draft ngayon ay dalawang All-Stars ang maaaring umagaw ng eksena.

Si Indiana All-Star Paul George ay nasa trading block matapos ipaalam sa Pacers na hindi na siya muling pipirma ng bagong kontrata, habang maaari namang umalis sa Chicago Bulls si star Jimmy Butler.

Palagi nang napapabalita ang paghugot ng Timberwolves kay Butler sapul nang hirangin si Tom Thibodeau bilang head coach at president sa katapusan ng 2015-16 season.

“You hear about a lot of trade rumors and things of that nature,” sabi ni Thibodeau.

Ang kagaya ni Butler, isang two-way player, ang kailangan ni Thibodeau para wakasan ang 13-year playoff drought ng Minnesota sa susunod na season.

Inaasahang hihingi ng malaking kapalit ang Chicago para pakawalan si Butler.

Kung hindi ipapamigay ng Timberwolves ang No. 7 ay sina Florida State forward Jonathan Isaac at Arizona forward Lauri Markkanen ang maaari nilang pagpilian.

Si Isaac, isang defensive-minded forward, ang maaaring makatulong kay Karl-Anthony Towns sa front court, habang ang seven-footer namang si Markkanen ay may taglay na disenteng three-point shooting touch.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with