^

PSN Palaro

Mahigit 600 delegasyon sa SEAG isusumite na sa PSC

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Pagkatapos ng itinak­dang deadline para sa 37 national sports associations upang magsumite ng kanilang iba’t ibang line-ups, umabot sa mahigit 487 atleta at 168 coaches ang kasama sa Philippine contingent sa 29th Southeast Asian Games na gaganapin sa Agosto 19-30 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Ayon kay POC-PSC SEA Games Joint Task For­ce chairman Tom Carrasco, hindi pa kasama ang inaasahan ding 70 miyembro ng medical at secretariat team na sila ang mag-aasikaso sa mga atleta.

Idinagdag pa ni Carrasco na kailangan pa ang appro­val ng Philippine Sports Commission dahil sila ang magpopondo sa partisipasyon ng bansa at gagastos sa air-fair, hotel at pagkain ng lahat na miyembro ng buong dele­gasyon. Matapos aprubahan ng PSC, ito ay dadaan naman sa Philippine Olympic Committee executive board para sa final approval.

Ang athletics ang may pinakamaraming ipinadala sa 38 at tig-20 naman ang lawn bowls at ice hockey habang tig-12 sa men’s at women’s basketball, tig-20 naman sa under-23 boys at women’s football at 29 sa aquatics kabilang na ang 8 sa swimming, 13 sa water polo, 4 sa open swimming at 4 sa synchronized swimming.

Mauunang umalis ang netball, football at secretariat sa Agosto 12 dahil kaagad magsisimula ang kanilang events, dagdag ni Carrasco.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with