^

PSN Palaro

Horn kay Pacquiao: Relax, I’m taking your belt

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Inaasahang darating si Filipino world welterweight king Manny Pacquiao sa Brisbane, Australia bukas ng gabi kasama ang 200 miyembro ng kanyang grupo sakay ng isang chartered jet.

Sa kanyang pagsagupa kay Australian challenger Jeff Horn sa Hulyo 2 sa Suncorp Stadium ay tatanggap si Pacquiao ng premyong $10 milyon.

Ito ay 20 beses na mas malaki sa makukuha ni Horn, isang dating school teacher sa Brisbane.

Ngunit balewala ito kay Horn, kumampanya sa Olympic Games noong 2012.

“He’s arriving on Sa­turday and my message to him is relax and enjoy your stay in Brisbane because on July 2 I’m taking your world title,’’ wika ni Horn sa panayam ng The Courier-Mail.

Itataya ng 38-anyos na si Pacquiao (59-6-2, 38 knockouts) ang kanyang suot na World Boxing Organization welterweight crown laban sa 29-anyos na si Horn (16-0-1, 11 KOs).

Ito ang unang depensa ni Pacquiao sa kanyang titulo na inagaw niya kay Jessie Vargas via unanimous decision noong  Nobyembre ng nakaraang taon.

Inaasahang mauubos ang tiket para sa nasabing laban nina Pacquiao at Horn.

“He’s one of the grea­test boxers in history and people in Australia have supported the fight because of his name and the chance to see an Aussie against him,” wika ni Horn kay Pacquiao.

Bagama't hindi kilala sa buong mundo kumpara sa mga naunang nakalaban ni 'Pacman', kumpiyansa si Horn na hihirangin siyang bagong WBO welterweight king. 

Sinabi naman ni chief trainer Freddie Roach na nasa 90 porsiyento nang handa si Pacquiao na makipagsuntukan kay Horn sa pagtatapos ng kanilang training camp ngayon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with