^

PSN Palaro

Solo sa No. 3 puntirya ng Batangas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro ngayon (Ynares Sports Arena, Pasig)

3 p.m.  Batangas vs AMA Online Education

5 p.m.  Zark’s Burgers vs CEU

MANILA, Philippines - Pakay ng Batangas na masolo ang ikatlong puwesto sa pagharap  sa AMA Online Education ngayong hapon sa pagpa­patuloy ng 2017 PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Lalarga ang salpukan ng Batangas at AMA sa alas-3 na susundan ng pukpukan ng Zark’s Bur­gers at Centro Escolar University sa alas-5.

Umaasa si coach Eric Gonzales na makababa­ngon ang Batangueños sa masaklap na 70-72 kabiguang tinamo  sa CEU noong nakaraang linggo.

Kaya naman gigil na reresbak sina Cedrick Ablaza at Jessie Saitanan na kumana ng pinagsamang 28 puntos laban sa Scorpions subalit nawalan lamang ito ng saysay matapos bumigay sa huling bahagi ng laro.

Kasalukuyang nakatali sa three-way tie ang Bata­ngas, Racal at Tanduay tangan ang pare-parehong 2-1 baraha sa ilalim ng F­lying V (3-0) at Cignal (5-2).

Ang AMA naman ay nakabaon sa ilalim ng stan­dings matapos yumuko sa kanilang unang tatlong laro.

Aasahan ng Titans si Ivan Villanueva na nagtala ng double-double na 29 puntos at 15 rebounds laban sa Zark’s gayundin si Mario Bonleon na may sariling double-double na 20 markers at 13 boards.

Nariyan din sina Paolo Pontejos at Andre Paras para su­portahan ang Titans.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with