^

PSN Palaro

Foton ika-5 dikit ang pakay sa Generika

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon (The Arena)

5 pm Generika-Ayala vs Foton

7 pm  Cignal vs Petron

MANILA, Philippines - Patatatagin ng two-time Grand Prix champion Foton ang kapit sa solong pamumuno sa pakikipag­tipan nito sa Generika-Ayala sa Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Con­­ference ngayong hapon sa The Arena sa San Juan City.

Puntirya ng Tornadoes na makuha ang ikalimang sunod na panalo sa oras na makaharap ang Lifesavers sa alas-5 ng hapon.

Walang iba kundi si team captain Jaja Santiago ang tiyak na mangunguna para sa Tornadoes kasama sina Ennajie Laure, Christine Joy Rosario, Maika Ortiz, Heather Guinoo, Ivy Perez at libero Jen Reyes.

Target naman ng Lifesavers na makabangon mula sa 25-21, 24-26, 25-21, 25-18 pagkatalong nalasap sa Blaze Spikers.

Kailangang kumayod ng husto nina national mainstay Gen Casugod, Chloe Cortez at Patty Orendain para sa inaasam na panalo ng koponan.

Inaasahan din ang ma­init na bakbakan sa pagitan ng Petron at Cignal sa alas-7 ng gabi.

Magkasama ang HD Spikers at Blaze Spikers sa ikalawang puwesto tangan ang parehong 3-1 marka.

Aminado si Petron coach Shaq Delos Santos na hindi magiging madaling kalaban ang Cignal.

“It’s going to be a tough match. They have the firepower and they have good blocking. We have to prepare hard for this battle. I’m sure they will be ready as well,” wika ni Delos Santos.

Kakayod para sa Blaze Spikers sina Cherry Ann Rondina, Ces Molina, Aiza Pontillas, Mika Reyes, Ria Meneses, Remy Palma at veteran setter Rhea Dimaculangan.

Raratsada naman para sa HD Spikers sina Rachel Anne Daquis, Jovelyn Gonzaga at Honey Royse Tubino kasama sina Cherry Vivas, Maica Morada at seasoned liberos Jheck Dionela at Sha Torres.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with