^

PSN Palaro

Ancajas handa nang idepensa ang titulo

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Handa na si Jerwin Ancajas sa kanyang mandatory defense ng International Boxing Federation (IBF) super flyweight belt laban kay challenger Teiru Kinoshita  ng Korea.

Ayon kay trainer/ma­nager Joven Jimenez, ang 25-anyos na pride of Panabo, Davao del Norte ay mahigit 95 porsyento handang-handa na sa 12-round title match sa undercard ni Manny Pacquiao at Jeff Horn para sa World Bo­xing Organization (WBO) welterweight title bout sa Brisbane, Australia.

Ang nalalabing limang porsyento kay Ancajas ay ang kanyang determinasyon na magtagumpay sa laban ngayong Hulyo 2 na inaasahang panoorin ng mahigit 50,000 sa Suncorp Stadium.

“Nasa 95% na po, yun ang nakikita niya (Jimenez) sa akin,” ani Ancajas,  nagtala na ng 100 rounds sparring para sa kanyang ikalawang depensa sa titulo na kanyang napanalunan kontra kay McJolunan  Arroyo ng Puerto Rico noong nakaraang taon.

“Southpaw siya, typical na Koreano na matibay.  Abang lang ng abang iyan, although skills wise, mas lamang si Jerwin,” sabi pa ni Jimenez.

Sa ngayon ay sobra pa ng mahigit six pounds sa 15-lbs limit si Ancajas pero hindi ito magiging problema, ayon kay Jimenez.

Matatadaan mata­gumpay na naidepensa ni Ancajas ang IBF crown noong Enero via seventh round stoppage laban kay Jose Alfredo Rodriguez sa Cotai Arena sa Macau para maitala ang 26-1-1 with 17 KOs.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with