^

PSN Palaro

Petron diniskaril ang Generika

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Naikonekta ng Petron ang 25-21, 24-26, 25-21, 25-18 panalo laban sa Generika-Ayala upang sumalo sa ikalawang puwesto sa Pool C ng Philippine Superliga All-Filipino Conference kahapon sa The Arena sa San Juan City.

Pinangunahan ni team captain Ces Molina ang Blaze Spikers nang kumana ito ng 20 puntos mula sa 15 attacks, tatlong blocks at dalawang aces kalakip ang siyam na receptions habang maganda rin ang laro ni Aiza Maizo-Pontillas na nakalikom ng 17 puntos buhat sa 13 attacks at apat na aces kasama ang limang digs.

Umani naman ng pi­nagsama-samang 17 puntos sina Cherry Ann Rondina, Chin Chin Basas at Remy Palma samantalang may 26 excellent sets si playmaker Rhea Dimaculangan na naglista rin ng tatlong puntos.

Umangat sa 3-1 ba­raha ang Petron para samahan sa No. 2 spot ang Cignal na may katulad na marka habang nangunguna ang two-time Grand Prix champion Foton na may imakuladang 4-0 rekord.

Bumagsak naman ang Generika-Ayala sa 2-2.

Nanguna sa panig ng Lifesavers si Patty Orendain na umiskor ng 14 puntos.

Naglista ng kabuuang 51 attacks ang Blaze Spi­kers laban sa 37 lamang ng Lifesavers.

Lamang din ang Petron sa blocks, 12-5 habang nakaungos ang Generika-Ayala sa service aces, 10-7 sa larong tumagal ng isang oras at 37 minuto.

Mas maraming nagawang errors ang Blaze Spikers, 34-29 subalit natabunan ito ng solidong opensa at depensa ng koponan sa pangunguna nina Molina at Maizo-Pontillas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with