^

PSN Palaro

Pinoy squad puntirya ang krusyal na panalo

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

FIBA men’s 3x3 World Cup

MANILA, Philippines -  Puntirya ng Pilipinas na makuha ang panalo sa huling dalawang krusyal na laro upang umabante sa quarterfinals ng prestihiyosong 2017 FIBA Men’s 3X3 World Cup na ginaganap sa Parc des Chantiers de I’lle sa Nantes, France.

Makakatipan ng Pinoy squad ang Slovenia sa alas-7:40 ng gabi (ala-1:40 ngayong umaga sa Maynila) at ang El Salvador sa alas-9 ng gabi (alas-3 ng umaga sa Maynila).

Kasalukuyang nasa ikatlong puwesto ang Pilipinas sa Pool B tangan ang 1-1 rekord habang nasa unahan ang France at Slovenia na parehong may malinis na 2-0 rekord.

Namayani ang Pilipinas sa Romania (21-15) bago yumuko sa France sa iskor na 11-22.

Kailangan ng Pilipinas na manalo sa Slovenia at El Salvador upang makapasok sa knockout stage dahil ang dalawang mangungunang koponan lamang sa bawat grupo ang siyang mabibiyayaan ng tiket sa next round.

Sasandalan ng tropa si Kobe Paras  habang makakatuwang nito sina Kiefer Ravena, Jeron Teng at JR Quiñahan.

Mapapalaban ng husto ang Pinoy sa Slovenians na binubuo ng mga manlalarong nasa Top 20 sa world ran­king. Ito ay sina Anze Srebovt (12), Gasper Ovnik (14), Simon Finzgar (15) at Adin Kavgic (17).

Una nang umabante sa quarterfinals ang Serbia (4-0) at Russia (3-1) na galing sa Pool A at ang Netherlands (4-0) at Amerika (3-1) na nasa Pool D.

Hindi naman nakapasok sa final round si Paras sa Slam Dunk competition.

Tanging si Paras lamang ang hindi professional player sa mga lumahok sa kumpe­tisyon.

Nagtala lamang ito ng 50 puntos.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with