^

PSN Palaro

Tropang Texters, Beermen agawan sa buwenamano

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Tropang Texters, Beermen  agawan sa buwenamano

TNT coach Nash Racela, San Miguel Beer coach Leo Austria

MANILA, Philippines -  Ilalabas na ng San Miguel Beer at Talk ’N Text ang buong tapang nito upang makuha ang pambuenamanong panalo sa pagsisimula ng PBA Commissioner’s Cup best-of-seven cham­pionship series nga­yong gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Magkukrus ang landas ng Beermen at KaTropa sa alas-7 ng gabi.

Parehong galing sa 3-1 panalo ang Beermen at KaTropa sa kani-kanilang best-of-five semifinal series.

Pinataob ng SMB ang Star Hotshots habang nanaig naman ang TNT sa Barangay Ginebra upang maisaayos ang kanilang paghaharap sa finals.

Sa eliminasyon, namayani ang KaTropa laban sa Beermen, 112-103 iskor.

Ngunit ibang usapan na ang finals dahil tiyak na dadanak ang matinding aksiyon para makuha ang kampeonato.

Ayon kay Jayson Castro ng KaTropa, uhaw ang kanilang tropa sa korona dahil huling nagkampeon ito noong 2015 sa Commissioner’s Cup.

“Siguro yung eagerness namin na mag-champion ulit, yun ang magdadala sa amin sa series dahil medyo matagal na rin nung huling nag-champion kami kaya sana masundan na,” wika ni Castro na isa sa mga tumulong upang dispatsahin ng KaTropa ang Gin Kings sa semis.

Alam ni Castro na hindi magiging madali ang kanilang daang tatahakin dahil binubuo ang Beermen ng matitikas na manlalaro.

“Kailangan naming mag­laro as a team para ma­talo namin sila. Alam naman natin kung kaano kalakas ang San Miguel. Talagang powerhouse team sila,” dagdag ni  Castro na nagtala ng 38 puntos at  11 assists sa Game 4 ng semis.

Subalit may sariling pa­kay ang Beermen.

Nais nitong tuldukan ang 16 taong pagkauhaw sa Commissioner’s Cup title. Huling nagkampeon ang Beermen sa natu­rang kumperensiya noong 2000.

“Dati hanggang semifinals lang kami (sa Commissioner’s Cup). Ngayon nasa finals na kami and it could be a great time for us to break the barrier,” pahayag ni Beermen mentor Leo Austria.

Determinado ang Texters na pataubin ang Beermen.

Kaya naman solidong plano ang inihanda ni Austria upang pigilan ang anumang pagtatangkang gagawin ng TNT.

“I’m sure that they will really prepare hard for this. I know it’s not easy. They’re out to win a championship. Parati namin silang tinatalo sa semis kaya for sure babawi sila sa amin,” ani Austria.

Ito ang ika-38 finals appearance ng Beermen at target nitong makuha ang ika-24 titulo sa liga habang ang KaTropa naman ay naghahangad mahablot ang ikawalong titulo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with