2018 FIBA 3x3 World Cup gagawin sa Pinas
MANILA, Philippines – Inihayag ni Manny V. Pangilinan, dating pangulo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas na dito sa bansa gagawin ang 2018 FIBA 3x3 World Cup.
Sinabi ni Pangilinan na gaganapin ang liga sa Mayo ngunit wala pang tiyak na lugar.
Next year 2018 we host! 3x3 World Cup in Manila, in May, featuring 20 Men's Teams and 20 Women's Teams!
— Manny V. Pangilinan (@iamMVP) June 18, 2017
Nito lamang ay nag-host din ang Pilipinas sa men's at juniors Southeast Asian Basketball Association at 2016 FIBA World Olympic Qualifying Tournament for Men sa MOA arena.
Sa kasalukuyan ay nasa Nantes, France ngayon ang team Philippines na kinabibilangan nina Kobe Paras, Kiefer Ravena, Jeron Teng at JR Quinahan.
- Latest