PSL-Manila sumuko sa Thais
MANILA, Philippines - Pinahirapan muna ng Philippine Superliga-Manila ang powerhouse Supreme Chonburi-Thailand bago isuko ang 20-25, 12-25, 25-18, 25-27 desisyon sa quarterfinals ng Asian Women’s Club Championships kahapon sa Boris Alexandrov Sports Palace sa Ust-Kamenogorsk, Kazakhstan.
Inilabas ng Thai squad ang bangis nito sa pagsisimula ng bakbakan sa likod ng imports na sina Chloe Mann at Diouck Fatou Niane at local ace Kongyot Ajcharaporn para makuha ang unang dalawang sets.
Subalit matinding determinasyon ang pinakawalan ng PSL-Manila nang pamunuan nina 6-foot-5 open hitter Jaja Santiago at middle blocker Aby Maraño ang atake katuwang sina Jovelyn Gonzaga at setter Kim Fajardo para makuha ang third set at makalapit sa 1-2.
Dahil dito, nahulog ang PSL-Manila sa classification round kung saan ika-5 puwesto ang pinakamataas na posibleng makuha ng Pinay spikers. (CCo)
- Latest