^

PSN Palaro

KID-S.O.S ng PSC bibinyagan sa Cavite

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inaasahang mahigit isang libong kabataan ang sasabak sa Philippine Sports Commission (PSC) community program KID-S.O.S (Kabataan Iwas Droga-Start on Sports) simula sa Hunyo 4 sa Bacoor, Cavite.

Nakipag-ugnayan ang PSC sa City government ng Bacoor sa pangunguna ni Mayor Lani Mercado-Revilla para sa naturang proyekto at naging maayos ang koordinasyon ng dalawang ahensiya, ayon kay PSC commissioner at pro­ject director Arnold Agustin.

Ayon kay Agustin isinagawa nila ang PSC-KIDS-SOS program para ma­bigyan ng pagkakataon ang mga kabataan na sumabak sa sports at mailayo sa iba’t ibang bisyo.

“This program is in line with President Duterte’s Sports for All Program. We choose Bacoor City as starter but we’re closely coordinating with other Local Government Units in Cavite for future sports partnership,” sabi ni Agustin, na isa ring residente sa naturang lungsod.

Sa KID-S.O.S prog­ram, magkakaroon ng pagkakataon ang mga kabataan na matuto sa laro ng badminton, table tennis at chess habang para naman sa Sangguniang Kabataan, sasabak sila sa zumba at  pencak silat.

Para naman sa mga barangay officials at mga tanod may pagkakataon silang sumali rin sa  cli­nics  at seminars gayundin sa mga seniors, mga magulang at sports enthusiasts.

Ipinagkaloob ng PSC ang kanilang mga technical personnels, coaches at administrative staffs para sa nasabing proyekto at may kasama pang mga sports supplies at equipments.

Sa pinagkasunduang partnership, ang city ad­mi­­­­nistrator naman ang ma­mamahala sa coordination ng mga kalahok at sa gagami­ting venues.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with