^

PSN Palaro

Roach kinakabahan sa kanan ni Horn

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Roach kinakabahan sa kanan ni Horn

Kung sa mga nauna niyang panayam ay inaa­sahan ni Freddie Roach na madaling tatalunin ni Manny Pacquiao si Jeff Horn, nag-iba na ngayon ng kanyang pahayag ang Hall of Fame trainer. DINO MARAGAY/PHILSTAR.COM

MANILA, Philippines - Kung sa mga nauna niyang panayam ay inaa­sahan ni Freddie Roach na madaling tatalunin ni Manny Pacquiao si Jeff Horn, nag-iba na ngayon ng kanyang pahayag ang Hall of Fame trainer.

Sinabi ni Roach na hindi dapat balewalain ni Pacquiao (59-6-2, 38 KOs)  ang lakas ni Horn (16-0-1, 11 KOs)  sa kanilang pag­haharap sa Hulyo 2 sa Brisbane, Australia.

Ito ay base na rin sa kanyang mga napanood na fight tapes ng 29-anyos na si Horn, tatangkaing agawin sa 38-anyos na si Pacquiao ang suot nitong World Boxing Organization welterweight crown.

“We’re not going to take anyone lightly; we never have and we never will,” pahayag ni Roach sa panayam ng The Sydney Mor­ning Herald.

“Horn is not very well-known, but the thing is, I’ve seen his last few fights he’s won by knockout, and he’s pretty impressive, a pretty good puncher and I hope he does come with that style and comes looking for a knockout,” dagdag pa nito.

Nasa kanyang ikalawang linggo ng training si Pacquiao para sa kanilang bakbakan ni Horn, kumampanya para sa Australia noong 2012 Olympic Games.

Noong nakaraang Linggo ay dumating sa bansa si Roach kasama si strength and conditioning coach Justin Fortune para pangunahan ang pagsasanay ni Pacquiao.

Ikinadismaya ni Roach ang nakita niyang ikinilos ng Filipino boxing superstar sa sparring session.

Sinabi ni Roach na dapat ay nasa 10 rounds na ang sparring na ginagawa ni Pacquiao, huling lumaban noong Nobyembre ng nakaraang taon matapos agawin kay Jessie Vargas ang hawak nitong WBO welterweight belt.

Sa napanood ni Roach sa fight tapes ni Horn, nagtatag­lay ang Australian challenger ng malakas na right hand. “Horn looks like he’s a little bit of a puncher. One thing about Australian fighters is he’ll definitely be in shape- they work hard; their work ethic is good,” pagtatapos ni Roach.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with